Collection of Important Updates for Students

Showing posts with label blog. Show all posts
Showing posts with label blog. Show all posts

COLORS




Sadyang makulay ang aking buhay. Sa bawat paglipat ng pahina ng aking aklat, sari-saring kwento ang aking nararanasan. May mga sadyang di maiiwasan at maging ugat ng pagkatuwaan at minsan naman ay kahihiyan.

Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa McDonalds bilang service crew-front counter. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang lahat ng empleyado nito ay kailangan dumaan sa pagsusuri lalo na sa droga.

Marso 9-Tanghaling mainit. Katatapos lamang ng klase ko noon. Dali-dali akong lumabas ng aming paaralan at naghanap ng masasakyan sa lugar na aking patutunguhan ang "Drug Check". Nasa labas na ako ng paaralan. Nag-aabang ng jeep na dadaan. Bigla kong naalala hindi pa pala ako kumakain ng tanghalian. Nakakita ako ng isang maliit na tindahan sa abangan mismo ng sari-saring mga paninda. Alam kong hindi ako sigurado kung malinis ang mga paninda na iyon. Subalit sa aking sobrang pagkagutom, ako ay nagdesisyon na bumili ng makakain. Habang naghahantay ng jeep, dali-dali kong inubos ang aking binili.

Mainit. Maingay. Madumi. Nalamnan naman aking tiyan. Sakto lamang aking pera ng mga oras na yun. Ako ay nagmamadali dahil baka mahuli na naman ako sa aking trabaho. Sumakay ako ng jeep. Napunta ako sa bandang hulihan na tanaw ang lahat. Napansin ko ang isang matandang lalaki na nakaupo sa loob ng jeep; mahina na ang katawan, artipisyal na ang kanyang kaliwang paa at hindi na maaari pang magbyahe ng madalas. Sa aking gawing kanan, isang batang na kapwa ko din mag-aaral at parehas kami ng pinapasukang paaralan. Hindi alinta sa kanyang muka ang kalungkutan dahil siya lagi ay nakangiti. Sa bandang unahan; dalawang lalaki na may dalang tatlong sako ng talong. Hindi ko mawari kung para saan yung mga iyon. Huminto ang aming sinasakyan sa Jollibee. Bumaba ang matanda at dalawang lalaki. Nalaman ko na sila pala ay mag-aama. Nauna ang matandang lalaki na hinang-hina. Naiwan pa niya ang kanyang lalagyan ng inumin at inihabol pa ito ng kanyang anak.

Lumipas ang oras. Malapit na ako sa terminal. Nagmamadali at dahil baka mahuli sa aking trabaho. Dumating ang aming sinasakyan sa aming patutunguhan. Bumaba ako sa jeep na tila inaantok pa. Nasilaw sa init ng araw. Madaming sasakyan. Hindi ko alam ang aking pupuntahan at ang tanging alam ko lang ay "Drug Check". Sumakay ako sa tricycle at sinabing "Manong, sa Drug Check" po. Umalis ang tricycle. Gaya pa din ng dati, hinihili pa din ako ng aking katawan para matulog pero lumalaban ako at baka kung saan ako dalin ni Manong Diver. Bumagal ang takbo ng tricycel. Nagtanong kami sa isang lalaki na nakatayo malapit sa LTO. Tinuro niya kung saan ito. Bumaba ako.

Pagpasok ko ay tila ang bilis ng aking biyahe. Mahaba pa ang aking oras para di ako malate sa trabaho. Nagpaeksamin na ako. Ako ay kinakabahan dahil baka may makita sila sa kin na sakit. Tinawag ako ng babae. May ibinigay na papel at kinuhanan ako ng litrato gamit ang kompyuter. Ako ay nagtaka at bakit kaylangan pa ng litrato para sa drug testing. *CLICK! nakuhanan na ako ng larawan. Hindi ko namalayan sa bilis ng pagkuha nito at tuloy di man lang ako nakangiti sa litrato. Pagkatapos ay kinuha ang aking kamay, kaylangan daw nila ng FingerPrint. Naku. madudumihan ang aking kamay dahil magkakaroon ng tinta. Nagulat ako ng idampi niya ang aking mga daliri sa isang hugis kahon na may liwanag ay wala itong tinta.

*Ring. Ring*

>May tumawag sa aking cellphone kaya ngayon ko lang naituloy. Muli ko ulit itutuloy ang aking kwento.

Naramdaman ko ang isang mainit na liwanag na nanggagaling sa maliit kahon at biglang may lumitaw na Finger print sa monitor ng computer. Noon ko nalaman na ito pala ay ang makabagong pangkuha ng finger print. CHECK! Dagdag kaalaman.

Naghintay ako ng mga ilang minuto. Malapit ng mag ika-apat ng hapon. Mayroon pa akong isang oras bago sa aking trabaho. Tinawag ako ng babae at ibinigay ang isang maliit na papel na may larawan ko. Yun na pala ang drug test result. Nagtaka ako at bakit parang ang bilis. Hindi ko na lamang pinansin.

Nagpasya ako na maglakad papunta sa aking lugar na pingatatrabahuhan. Hindi naman ganun kalayo iyon. Naglalakad ako sa gitna ng init. Sumagi saking isipan ang aking pinakapaborito sa lahat ang makulay na Halo-halo. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang dumating sa isang maliit na karinderya at nakita ko ang aking hinahanap. ang tindahan ng halo-halo. Bumili ako. Nagmamadali. Mabilis na ginawa ni ate ang aking order at ina-abot sa kanya ang aking bayad.

Madali ko itong kinain sa kadahilanang uhaw at masarap ito. Matapos ay nilisan ko na ang maliit na karinderya.

"Bata. Bata. Sandali lang" ang naghuhumiyaw na tawag ng babae na aking pinagbilhan. "Nakalimutan mong magbayad!" ang kanyang wika. Ako ay nagtaka baka hindi ako ang kanyang pinagsasabihan. "Nagbayad na po ako ate" ang aking sagot. Ngunit matigas siyang sumagot na hindi pa. Mabuti na lamang ay pinatunayan ng kanyang kasamahan na inabot ko na ang aking bayad. Kung gayon man, wala na rin ako sa kanyang ibibigay dahil sakto lang ang aking pera.

Umalis ako na may halong takot sa aking mga mata sa kadahilanang baka pagtulungan ako ng mga tao sa lugar na yon. Habang lumalayo ay pinapakiramdaman ko kung may sumusunod sa aking likuran.

Tanaw na ng aking mga mata ang isang napakalaking signal na Letter M. Yun ang aking patutunguhan. Pawis. Init. Takot. Pangamba. Yan ang aking nararamdaman sa mga sandaling iyon.. Hindi ko alam kung kanino ko ibabahagi ang aking karanasang iyon.Na sa sandaling oras ay mararanasan ko ang kakaiba at hindi malilimutang kulay sa aking buhay...

BYEEnihan: Juanted Environmental Heroes

In the past, when a family decided to settle in another area, they didn’t need to hire movers. All the family had to do was gather the townsmen, who would move the entire house. Known as bayanihan, this age-old tradition shows how united and determined Filipinos can be in achieving a common goal.

In 2011, a group of Bayer Young Environmental Envoys (BYEE) in the Bicol region envisioned a “bayanihan society,” wherein everyone makes an effort, specifically in protecting the environment.
Thus, they launched BYEEnihan, a one-day environmental event which features various organizations implementing simple and relevant environmental activities.

With the theme “Every Juan for the Environment,” BYEEnihan’s simultaneous environmental events across Bicol proved that everyone is capable of doing simple yet impactful activities. In its first installment, BYEEnihan marked the commitment of every Bicolano to create ripple effects and change the local environmental landscape and mind-set.

In a day, the event saw 6,501 individuals all over the region, four times bigger than the expected turnout, taking action for the environment. It was able to mobilize 165 youth organizations, SK federations, government agencies, academic institutions and businesses, a huge and surprising number compared to the original four organizations that started the process.

With the success of last year’s BYEEnihan, it has become an annual event held beyond Bicol.
Set for Nov. 10, BYEEnihan will again be a one-day simultaneous environmental celebration that taps the bayaning Pilipino all over the country.

BYEEnihan 2012 is a search for true environmental heroes.

Call Jonathan Jaime Guerrero at tel. 0917-5928610 or e-mail byeenihan.national@gmail.com. Like us on Facebook (www.facebook.com/BYEEnihan) and follow us on Twitter (@BYEEnihan).

source: http://lifestyle.inquirer.net/68692/environmental-bayanihan-bicol-style

"Totoo Po Yan!"


Maaga akong gumising para maghilamos at kumain ng almusalan sa karinderya nila Junior. Kailangan ko umabot sa biyahe ng maaga para hindi ako mahuli sa aking trabaho. Nagmamadali ako kumain na tila hindi ko na nalalasahan ang aking pagkain. Nakakagulat talaga dito sa Manila. Lhat ng bagay ay kaylangan mong bilhin. Lahat! Ewan ko ba kung bakit ang daming gusto pumunta dito. Para makatipid, bibili ako ng isang order ng ulam at yung kalahati ay ibabaon ko para sa aking tanghalian. Masarap naman. Siguro yun ang dahilan kung bakit ako pumayat. Ang sarap kasi. Hahaha

Ang tubig dito ay iba. Sobrang lamig. Sabi ni Ate Lisa (Landlady namin sa apartment ni Macky Boy) malamig daw ang unang buhos ng tubig dito. Maganda naman ang paliguan kung ihahalintulad sa probinsiya. Malinis, maputi, madulas, at malamig nga! Kaya ang ginawa ko ay.. yung unang buhos ay tinapon ko sa lababo at yung pangalawang buhos ay pinanligo ko na. Grabe. Effective. LOL Try mo?

Kaylangan ko ng magmadali pero si Macky Boy ay tulog pa din. Kaylngan ko siya hintayin dahil isa lang naman ang aming patutunguhan. Mahriap siyang gisingin (totoo po yan). Ilang minuto na lamang ay malapit na kaming hatulan sa aming opisina. Awa ni Batman. saktong sakto kami dumadating pero kadalasan ay captial L-A-T-E! :D

Umaga pa lang ay parang hapon na at mukha na akong mag-a-out sa aking pagmumuka. Tila isang sisiw na basang basa hindi sa ulan bagkos sa aking sariling pawis. (Ewan ko ba kung bakit yung Bag na binigay ng AGSIP ee ang bilis mag produce ng pawis tuwing suot ko). Buti na lang sa office namin kaming nasa Alaska sa sobrang lamig at hindi ko maintindihan kkung bakit yung katabi ko sa upuan e kailangan pa mag electric fan (ADIK ba?)

Araw araw may kailngan tapusin. Sa awa naman ulit ni Batman natatapos ko naman. Lunch Break na. Panibagong hamon na naman para sa akin dahil wala ako kasama sa office ko. Para akong kabuti na bigla na lang susulpot at mawawala sa Office. Pagpatak ng 12 in tanghali.. Isang alay lakad na naman ang dapat tapusin. 12:30 nakarating na din ako. Ang magandang bagay lang na nakapagbasag ng aking kamuwangan ay ang mga makabagong teknolohiya na aking natutuklasan.

Ano bang meron sa Necktie at sa tuwing papasok ako ng BPI Main Building ay bumabati sila sa akin ng Good Morning Sir? Syempre sasagot naman ako ng 'Goodafternoon' sabay lakad at patagong tatawa.

Bakit kailangan pa tanungin sa BPI Elevator kung UP ba o DOWN ito? sa tuwing magbubukas ang pinto nito ay kailngan mo magtanong kung 'Up po ba?' Ang pinakamagandang sagot na matatanggap mo ay 'OO' at badtrip kung 'HINDI' kasi isang taon na naman ang iyong bubunuin para makapunta ka sa patutunguhan mo.

After 2 years. nakarating na ako sa Ayala Foundation para kumain kasabay ang aking matalik na kaibigan (manager) na si Ness Albito or Nestie for Short. :p Sabay kaming kakain ng tanghalian at pagsasaluhan ang ulam niyang pang umagahan at baon kong 'GUBAT ' na specialty ni Junior Carinderia. Masaya. Busog pero pagbalik ko muli sa opisina ay tila unti unti nahuhulog ang aking nakain sa daan sa pagod kalalakad.. Hehehe

Balik na naman ako sa Alaska at kailngan bunuin ang isang araw.Magsunog ng kilay para sa dagdag kaalaman sa kompanya, kaunting diskarte at sipag. Tapos.

Hapon na.. Gabi na.. Kailangan ng umuwi. pero may isang bagay na naman ang unti unting pumapasok at sumisiksik sa aking utak. Mga katanungan na kaylangan ng kasagutan..

  • Bakit kaya hindi ko namamalayan ang oras at panahon kapag nasa loob ng office?
  • Bakit kaya gabi kung mag jogging ang mga tao dito?
  • Bakit mas maganda ba kapag underpass?
  • Bakit bawat kanto may StarBucks?
  • Bakit ang mahal ng sandwich sa FIGARO pero eggplant lang naman ang laman sa loob?
  • Bakit kapag uwi ko sa bahay yung buhok at damit kong puti nagiging itim?
  • Bakit bawal ang tricycle papuntang office?
  • Bakit kusang bumubukas ang pinto sa Building sa Valero?
  • Bakit CBD ang tawag sa Makati City? Diba mas maganda ang ABCD?
  • Bakit may Scalator dito na walang steps?
  • Bakit may aircon na jeep?
  • Ano ba ang PISO Fair?
  • Ano ang meaning ng PedXing? (pedestrian crossing?)
  • PB Com ba talaga ang pinakamataas na tower sa Pilipinas?
  • Bakit walang takatak boys sa kalsada?
  • Bakit sosyal ang pulubi dito?

Bakit? Bakit? Hay.. Nagpapakatanga na naman ako.(totoo po yan) Pero sa dami dami ng mga katanungan na yan ay kapalit ang mga bagong kaibigan na aking nakilala.

Itutuloy..

SCA Story

-->
ANG TANGLAW


Madilim. Ito ang salita na hindi ko malilimutan simula ng tumungtong ako sa college life. Isang salita subalit ang daming kahulugan. Isang salita pero and daming pwedeng patunguhan.
_________________________
Mataas ang sikat ng araw ng hapong iyon at tila gustong sumabog ni haring araw sa sobrang galit. May pumasok sa silid-aralan namin. Masya ako dahil walang klase at hindi matutuloy ang quiz namin. Biglang nagdilim ang aking paningin at tila bubukas ang kisame ng room namin at may bababang mga anghel ng biglang tawagin ang pangalan ko. "Mr Tudla, please proceed to CFP (Christian Formation Program) after this class". Nagsimulang magbagsakan ang butil-butil kong pawis at unti-unting kumalat ang pulang dugo sa mukha ko gaya ng pakiramdam ko sa tuwing papagalitan ako ng professor ko dahil lagi akong late sa klase. Bumaba ako sa third floor at pumasok sa opisina ng CFP. Doon ko pala makikilala ang aking magiging liwanag ng aking buhay.
"Mag-SCA ka aries ha? ang tanong na parang ang tanging isasagot ko lang ay "Opo". Sumagot ako gaya ng sabi ko kahit hindi ko talaga alam kung ano ang SCA. Para akong nanalo sa lotto ng hindi tumataya. Nanalo ako ng higit pa sa inaasahan ko. Doon pala magsisimula ang malaking pagbabago sa aking buhay.

We see.
Walang kasiguraduhan ang buhay ko noon. Ako ay pumasok sa Ministry of Altar Servers at dito ko pala sa SCA matutupad ang pangarap ko na kahit nung bata pa ako ay hanggang pangarap lang, ang maging Sakristan. Hindi simple ang naging tungkulin ko dito dahil nagkaroon agad ako ng responsibilidad bilang vice-chairman nito.
Student Catholic Action. Tama! Naging mag-aaral din ako noon hanggang ngayon. Kumukuha ako ng kursong hindi ko alam kung bakit ko naging gusto, ang accountancy. Akala ko dati madali lang pero mahirap pala, hindi basta-basta. Kung bibigyan lang ako ng oras para ibalik yung dati, kaya ko naman ituloy ang kursong iyon. Hindi ko lang alam kung anung formula ang nilagay sa lahat ng books ng accountancy at bakit sa tuwing babasahin ko ito ay inaantok ako.
Second year na ako. Kaylangan ko ng magdesisyon kung saan ba talaga ako papunta. Hindi ko na kailangan pa na pagtagalin ang paghihirap sa buhay ko bilang studyante. Nahihirapan ako sa paraang hindi sapat ang oras, panahon, at lakas ko para sa ganitong uri ng kurso kaya nagpatuloy ako ng third year bilang isang Marketing student. Naniniwala ako na ito na talaga ang gusto ko. Mahirap pero masaya.Madami ako natutunan.

We believe.
Minsan naisip ko ng umalis sa SCA dahil sa dami ng mga ginagawa ko sa buhay. Gusto ko kasi ng walang nasasayang na oras dahil bawat minuto ay mahalaga. Akala ko hindi na ko makakapag-aral, nalulungkot ako kasi ako dahil na din sa grades ko at baka mawala na ko sa scholar. Sa mga panahong ganito ang SCA ang nagiging sandigan ko. Sila ang nagturo sakin ng mga dapat kong gawin. Nagpatuloy ang aking buhay.
Napapagod na ako sa aral, trabaho, at paglilingkod. Pag-aaral sa umaga, trabaho sa gabi. Hindi na nga kame nagkikita ng mga kapatid ko sa bahay dahil madaling-araw na ako umuuwi at tanghali ng gumigising. Kailangan ko kasi maging working-student dahil hindi sapat yung scholarship na nakukuha ko mula sa paaralan. Hindi naman ako nagsisisi sa mga desisyon ko. Masaya ako sa mga ginagawa ko.
Habang tumatagal unti-unting dumadami ang mga problema. Kaylangan kong pagsabay-sabayin ang lahat at balansihin ang aking responsibilidad bilang Student Council, Server, SCA, Volunteer at Working Student na din. Panganay ako sa aming apat na magkakapatid. Walang trabaho si Nanay, wala din trabaho si tatay. Umaasa lang kami sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at pagsasaka ng palay na hindi naman sa amin. Kailangan ko mag-aral mabuti para matulungan sila.
Lumaki ako sa Katolikong Pamilya at hinubog ako sa pagmamahal nila nang may takot sa Diyos. Madami ako natutunan sa pamilya ko at nadagdagan pa ng samahan na kinabibilangan ko ngayon. Sila ang nagturo sa akin kung paano ako mabuhay ng marangal at may pag-ibig sa kapwa.

We care..
Hindi ko masasabi na nagtagumpay na ako sa aking misyon dito sa lupa. Madami din akong pagkakamali tulad ng iba o higit pa nga minsan. Pero madami na akong nakamit dahil sa SCA. Dito ko nakilala ang tunay kong mga kaibigan at ang aking ikalawang pamilya. Dito ko napatunayan na hindi kailangan ng pera para maging masaya, ang magtulungan at magbigayan.
Sila nag nagmulat sa akin ng tamang paraan ng paglilingkod, bilang isang leader, mag-aaral, at isang anak. Siguro kung isusulat ko lahat ng karanasan ko sa SCA, kulang ang isang araw o kulang ang isang libro para dito. Hindi matatapatan ng materyal na bagay ang mga natutunan ko dito.
Madilim man, ang SCA ang nagbigay liwanag sa aking tatahaking landas. Sila ang naging inspirasyon ko para sa pagpapatuloy ng buhay. Walang makakapagsabi kung hanggang kailangan ang itatagal ko sa SCA dahil habangbuhay ko na itong dadalhin at nakatatak na sa aking puso ang pangalang ito.
__________________________________________________

(Biglang natahimik ang mga nag-iinterview sa akin)

Nakangiti silang lahat habang sinasabi ko ang aking karansan sa SCA. Alam ko ito ang naging dahilan kung bakit ako nakasama at napili sa Ayala Young Leaders Congress 2011. Masaya silang lahat at nagtatawan habang kinukwento ko ang aking mga karanasan bilang lingkod mag-aaral. Nagpakatotoo ako at sinabi ang lahat ng bukal sa aking puso.

Maraming salamatsa SCA dahil hinubog nila ang isang kabataan na puno ng pag-asa at pangarap sa buhay, ang bagong JOHN ARIES D. TUDLA.

NEW JOURNEY


To be nobody but yourself in a world which is doing its best, night and day, to make you everybody else means to fight the hardest battle which any human being can fight; and never stop fighting. When we stop fighting is the moment we lose our humanity.

Fighting is just part of any relationship. It gives color to our life and makes everyone stronger.
Life's problems wouldn't be called "hurdles" if there wasn't a way to get over them. Problems came into our life because He know we can overcome it.

The best angle from which to approach any problem is the try-angle. Though no one can go back and make a brand new start, anyone can start from now and make a brand new ending.
Life is a choice. Be who you are and say what you feel, because those who mind don't matter and those who matter don't mind. We can choose to be a happy or not. Live life with the fullest.
Never say never and don't say GOODBYE..

Lost in Summer

• . I G N O R A N C E . •
It's gonna been a long long time since when my last post published.
March 29, 2010-Sunday. Huling araw na kami ay magkakasama. Bago ako pumasok sa aking trabaho ay sabay kaming nagsimba. Sabay naming nilakad ang daan patungo sa simbahan. Habang naglalakad kami sa palengke may nakita akong mga bata na may dalang isang malaking kahon at may lamang mga dahon na buko na tila nilagyan ng mga dekorasyon.
Habang papalapit sa simbahan padami din ng padami ang mga taong nagtitinda ng.. Tama. araw na palaspas noon. Hindi ko namalayan na ganun na lamang pala kabilis ang panahon.
Dati-rati ang aking kapatid ay mga bata pa ngayon ay.. nagulat pa ko ng malaman kong may Facebook account na silang lahat. Pag-uwi ko sa bahay ay High School na pala ang pangatlo kong kapatid. Napatingin din ako sa kalendaryo. Ddi ko namalayan na magtatapos na pala ang buwan ng Marso.
Naalala ko tuloy nung aking kabataan. Tuwing mahal na araw ay nakakulong lang kami sa aming bahay. Kailangan naming gumising ng maaga at maglinis ng bahay at pagsapit ng tanghali ay matutulog ang lahat. Sa mga panahong iyon hindi ko alam kung bakit lagi na lang tulog.. tulog... at tulog ang bukang bibig ni Nanay. Ngayon ay alam ko na. at Alam mo na rin yun.. Pagsapit naman ng Biyernes Santo, ito ang hindi ko malilimutan.. BAWAL daw ang maligo. tama? Marahil naririning niyo na rin ang mga ksabihang iyan.
Ppumasok kami sa loob ng simbahan. Pagpasok namin ay bumungad ang maraming tao na nagdadasal at sama-samang umaawit. Malapit ng matapos ang misa kaya nakaupo kami sa harapan ng simbahan. Hinintay namin ang kasunod pang misa. Nag-aalala ako sa oras dahil baka ma-late na naman ako sa king trabaho.
May nakapukaw sa aking paningin. May isang rebulto na nasa gilid ng simbahan. Ito ay ang representasyon ng panahon pa ni Jesus Christ. Ito iyong nakasakay siya sa isang hayop at may dalang palaspas.
Maraming mga mananampalataya ang lumalapit at naglalagay ng sampagita dito. Subalit, may isang matandang babae ang lumapit dito.
Hindi ko naman pinapahalata na aka ay nagmamasid sa kanya. Mayroon siyang dalang panyo tila puno ng pananampalataya ang kanyang muka. Pinunas niya ang dalang panyo sa imahe ni Hesukristo at pinahid din sa kanyang muka at katawan at sabay ng krus. Ngunit hindi lang dun.. ang ikinagulat ko ng pinunas niya ang panyo sa sinasakyan ni Jesus at pinahid sa kanyang katawan at nagkrus.. ito ay ang KABAYO.. Pinigil ko ang aking tawa subalit hindi ko ito napigilan. Ngumiti na lamang ako ng palihim.
Gayun na lamang ang lalim ng pananampalataya ng mga Pilipino. Subalit, minsan sa ating ginagawa akala natin ito ay parte pa din ng ating pagmamahal at pagkilala sa Panginoon. May mga bagay na akala natin tama ay tama talaga dahil ito ang ating nakasanayan. Kaylangan nating itama kung anu ang mali. Hindi dahil sila ang nakakatanda ay ito na ang tama.
Totoo nga na ang Experience ay best teacher. Ngunit sa mga ibang bagay iba na ang ibig sabihin nito. Kaylangan nating ituwid and baluktot at iwasto ang mga nararapat.
Masasabi ko na tayong mga Pilipino ay hitik sa pagmamahal at pananampalataya kaya minsan sa sobrang tiwala ay nadadala tayo ng mga bagay na hindi natin alam ay sobra na..

ONE SMILE

SMILE
Smile and the rest of the world will laugh at you. =]
I'm not that happy enough to tell the world that I am so lucky having
YOU in my life. Weew! Yes. You.
Thanks for everything. If I have one person to stay with, I'd rather be with you.
Pang pa dami ba to ng post? Hehehe. LOLS.
"Where speech will not succeed, It is better to be silent"
tama. Kaya I just stay at the side and keep silent. Sssssss.


Emo Comments For Hi5
I will always be with you.
Thanks for a precious time you spent with me.
"If I had a flower for every time I thought of you, I could walk in my garden forever."
"Love is a dream that comes alive when we meet."
Sana wag ka magbabago. YOU and ME?
hahaha. Sige magalit ka pa. tsk.
SMILE =]
It seems to be a nonesense post?
NO. NO. NO
This is for you.
THANK YOU! for the cake. ;] thanks for the effort.
YOU know what? you're so sweet.
Stay for that.!

Sigaw ng Pipi

"Thoughts are the shadows of our feelings - always darker, emptier and simpler.”
Isang pangkaraniwang gabi, walang pinag-iba sa iba pang mga gabi sa buhay ko- ang oras ng pagtatrabaho. Madilim ang paligid at ang tanging nagbibigay liwanag lamang dito ay ang ilaw na nanggaling sa aking pinagtatrabahuhan. Habang lumalalim ang gabi ay unti-unting dumadami ang tao sa pagpunta sa restawrant.


Pagod. Antok. Lungkot. Yan ang mga halo-halong emosyon na aking nararamdaman ng mga oras na yon. Di ko namalayan na malapit ng mag ika-10 ng gabi.


May dalawang mag-asawa ang umorder sa akin. Buong ngiti at galak ko silang binati at tinanung ang kanilang bibilin. Nagtaka ako dahil natagalan bago pa sila makapili. Umupo muna sandali at tila may pinaguusapan. Lumapit sila sa akin. Nagulat ako ng di sila nagsasalita. Umorder sila ng tinuturo lamang nila ang kanilang bibilhin. Doon ko nalaman na sila pa ay mag-asawang "pipi".


Nagpatuloy ako sa aking pakikipag-usap sa kanila gamit ang aking mga kamay. Habang tumatagal hindi kami magka-unawaan. Biglang may pumasok sa aking isipan at binigyan ko sila ng isang papel at bolpen upang maisulat ang kanilang gustong sabihin. Matapos ang lahat kami ay nagkaunawan. Ako ay namangha sa kanilang samahan. Sa kabila ng kanilang kapansanan hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Napangiti na lamang ako ng hindi ko namamalayan. Nawala ang aking pagod at lungkot. Naisip ko na mas ma-swerte pa rin talaga ko dahil binigyan ako ng sapat na kakayahan, pag-iisip at pisikal na katawan.

11:10 pm. Mugto na ang aking mga mata. Sa sobrang antok ay ginagawa ko na lamang na busy ang aking sarili. Lumapit sa akin ang aking manager at tinanung kung gusto ko daw mag-undertime. Ssumagot ako at sinabing "opo at may klase po ako bukas". Sakto. Nakauwi ako samin ng 12 ng gabi.

Kinabukasan, gumising ako ng maaga dahil maaga pa ang aking pasok sa paaralan. Nagmamadali akong gumayak at inayos ang lahat ng dapat ayusin. Nag-abang ng sasakyan. Papasok na ako ng gate ng skul ngunit bigla akong hinarang ng guard at sinabi "Nasan ang ID mo?".


Huminto ang oras. Dumilim ang paligid. Tumahimik ako. ******* Naiwan ko ang aking ID. Pinakisapan ko ang guard ngunit hindi ako pinayagan. Para akong isang lantang gulay na binebenta sa bangketa. Isang basang sisiw na iniwan ng kanyang ina sa gitna ng kalsada. Parang saranggola na biglang nalagot ang pisi nito at bumagsak sa lupa. Para akong isang pipi na gustong sumigaw ngunit hindi magawa. Dito ko natutunan na bawat isa, minsan sa buhay ay nararanasan ang maging pipi na lamang sa isang tabi na hindi masabi ang gustong sabihin. Tila isang sasakyan na walang gasolina. Walang magawa kung hindi ang tumingin na lamang sa mga pangyayari na nagaganap sa kanyang paligid.



Bawat batas ay dapat ipatupad. Sinuman ang makalabag dito ay may karampatang parusa. Bawat isa ay may kanya-kanyang responsibilidad. Lahat ng bagay na ating ginagawa ay may naka-atang na kapalit. Bawat desisyon ay may kanya-kanyang resulta na dapat nating tanggapin. May mga bagay na akala natin tama ngunit sa katotohanan ito ay mali. Siguro masasabi ko kaya ito nasasabing tama dahil nakakadama tayo ng kasiyahan dito.


Subalit, wag naman sana natin hayaang ang pipi ay manahimik na lamang sa isang tabi. Hanggang kelan maghihintay ang bawat isa na marinig ang ating boses? O hahayaan nalang nating habang buhay na magsisi ang isang pipi sa kanyang desisyon na sa katotohan kaylaman ang kangyang boses ay mananatiling Sigaw ng Isang Pipi..



badtrip :(

OTHER SIDE OF ME

Pretending doesn’t mean you are hiding all the things about you to others, but it is the preparation to look for someone who can accept the fact and appreciate who you are. I am just afraid to let someone know that I’m not strong enough to face the reality; the other side of me.
Simple, responsible and with sense of humor, that’s what others see me as they knew who I am. They consider me as a man of good character, faith and compassion. The people around me expect a lot of things. They try to mold me as a better person. Believing that I can do everything under the sun, I am just a human, I am not perfect. I have also my negative side- my alter ego.

Although I wear a mask of joyfulness, behind of those sweet smiles, funny jokes and unbreakable lines is my alter ego, being a loner. You always see me as a happy person, but deep inside, I am bleedin’. It comes to a point that I have to express my feelings even it was so hard. I need to become stronger. It appears when I cannot handle all the problems and struggle in life. All I can do is to cry and cry until my tears fade away.

Some people judge me as a person with no dreams and goals in life- easy go lucky, but no one can tell how much they know the person until they put themselves into one’s life. Moreover, being a loner is not giving up, losing faith or throwing away your pride, but to heal the wound of loneliness.

The only thing in this world that is constant is change. People change, usually into everything they said it wouldn’t be. World is so dynamic. Time will come, we will realized that the true meaning of loneliness, happiness and joyfulness is that of pretending.

Partner

Blog Archive

Random Posts

Popular Posts

Helpful Links

Author

www.thepromdiboyadventures.com

Powered by Blogger.

Facebook

Ads