COLORS
Sadyang makulay ang aking buhay. Sa bawat paglipat ng pahina ng aking aklat, sari-saring kwento ang aking nararanasan. May mga sadyang di maiiwasan at maging ugat ng pagkatuwaan at minsan naman ay kahihiyan.
Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa McDonalds bilang service crew-front counter. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang lahat ng empleyado nito ay kailangan dumaan sa pagsusuri lalo na sa droga.
Marso 9-Tanghaling mainit. Katatapos lamang ng klase ko noon. Dali-dali akong lumabas ng aming paaralan at naghanap ng masasakyan sa lugar na aking patutunguhan ang "Drug Check". Nasa labas na ako ng paaralan. Nag-aabang ng jeep na dadaan. Bigla kong naalala hindi pa pala ako kumakain ng tanghalian. Nakakita ako ng isang maliit na tindahan sa abangan mismo ng sari-saring mga paninda. Alam kong hindi ako sigurado kung malinis ang mga paninda na iyon. Subalit sa aking sobrang pagkagutom, ako ay nagdesisyon na bumili ng makakain. Habang naghahantay ng jeep, dali-dali kong inubos ang aking binili.
Mainit. Maingay. Madumi. Nalamnan naman aking tiyan. Sakto lamang aking pera ng mga oras na yun. Ako ay nagmamadali dahil baka mahuli na naman ako sa aking trabaho. Sumakay ako ng jeep. Napunta ako sa bandang hulihan na tanaw ang lahat. Napansin ko ang isang matandang lalaki na nakaupo sa loob ng jeep; mahina na ang katawan, artipisyal na ang kanyang kaliwang paa at hindi na maaari pang magbyahe ng madalas. Sa aking gawing kanan, isang batang na kapwa ko din mag-aaral at parehas kami ng pinapasukang paaralan. Hindi alinta sa kanyang muka ang kalungkutan dahil siya lagi ay nakangiti. Sa bandang unahan; dalawang lalaki na may dalang tatlong sako ng talong. Hindi ko mawari kung para saan yung mga iyon. Huminto ang aming sinasakyan sa Jollibee. Bumaba ang matanda at dalawang lalaki. Nalaman ko na sila pala ay mag-aama. Nauna ang matandang lalaki na hinang-hina. Naiwan pa niya ang kanyang lalagyan ng inumin at inihabol pa ito ng kanyang anak.
Lumipas ang oras. Malapit na ako sa terminal. Nagmamadali at dahil baka mahuli sa aking trabaho. Dumating ang aming sinasakyan sa aming patutunguhan. Bumaba ako sa jeep na tila inaantok pa. Nasilaw sa init ng araw. Madaming sasakyan. Hindi ko alam ang aking pupuntahan at ang tanging alam ko lang ay "Drug Check". Sumakay ako sa tricycle at sinabing "Manong, sa Drug Check" po. Umalis ang tricycle. Gaya pa din ng dati, hinihili pa din ako ng aking katawan para matulog pero lumalaban ako at baka kung saan ako dalin ni Manong Diver. Bumagal ang takbo ng tricycel. Nagtanong kami sa isang lalaki na nakatayo malapit sa LTO. Tinuro niya kung saan ito. Bumaba ako.
Pagpasok ko ay tila ang bilis ng aking biyahe. Mahaba pa ang aking oras para di ako malate sa trabaho. Nagpaeksamin na ako. Ako ay kinakabahan dahil baka may makita sila sa kin na sakit. Tinawag ako ng babae. May ibinigay na papel at kinuhanan ako ng litrato gamit ang kompyuter. Ako ay nagtaka at bakit kaylangan pa ng litrato para sa drug testing. *CLICK! nakuhanan na ako ng larawan. Hindi ko namalayan sa bilis ng pagkuha nito at tuloy di man lang ako nakangiti sa litrato. Pagkatapos ay kinuha ang aking kamay, kaylangan daw nila ng FingerPrint. Naku. madudumihan ang aking kamay dahil magkakaroon ng tinta. Nagulat ako ng idampi niya ang aking mga daliri sa isang hugis kahon na may liwanag ay wala itong tinta.
*Ring. Ring*
>May tumawag sa aking cellphone kaya ngayon ko lang naituloy. Muli ko ulit itutuloy ang aking kwento.
Naramdaman ko ang isang mainit na liwanag na nanggagaling sa maliit kahon at biglang may lumitaw na Finger print sa monitor ng computer. Noon ko nalaman na ito pala ay ang makabagong pangkuha ng finger print. CHECK! Dagdag kaalaman.
Naghintay ako ng mga ilang minuto. Malapit ng mag ika-apat ng hapon. Mayroon pa akong isang oras bago sa aking trabaho. Tinawag ako ng babae at ibinigay ang isang maliit na papel na may larawan ko. Yun na pala ang drug test result. Nagtaka ako at bakit parang ang bilis. Hindi ko na lamang pinansin.
Nagpasya ako na maglakad papunta sa aking lugar na pingatatrabahuhan. Hindi naman ganun kalayo iyon. Naglalakad ako sa gitna ng init. Sumagi saking isipan ang aking pinakapaborito sa lahat ang makulay na Halo-halo. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang dumating sa isang maliit na karinderya at nakita ko ang aking hinahanap. ang tindahan ng halo-halo. Bumili ako. Nagmamadali. Mabilis na ginawa ni ate ang aking order at ina-abot sa kanya ang aking bayad.
Madali ko itong kinain sa kadahilanang uhaw at masarap ito. Matapos ay nilisan ko na ang maliit na karinderya.
"Bata. Bata. Sandali lang" ang naghuhumiyaw na tawag ng babae na aking pinagbilhan. "Nakalimutan mong magbayad!" ang kanyang wika. Ako ay nagtaka baka hindi ako ang kanyang pinagsasabihan. "Nagbayad na po ako ate" ang aking sagot. Ngunit matigas siyang sumagot na hindi pa. Mabuti na lamang ay pinatunayan ng kanyang kasamahan na inabot ko na ang aking bayad. Kung gayon man, wala na rin ako sa kanyang ibibigay dahil sakto lang ang aking pera.
Umalis ako na may halong takot sa aking mga mata sa kadahilanang baka pagtulungan ako ng mga tao sa lugar na yon. Habang lumalayo ay pinapakiramdaman ko kung may sumusunod sa aking likuran.
Tanaw na ng aking mga mata ang isang napakalaking signal na Letter M. Yun ang aking patutunguhan. Pawis. Init. Takot. Pangamba. Yan ang aking nararamdaman sa mga sandaling iyon.. Hindi ko alam kung kanino ko ibabahagi ang aking karanasang iyon.Na sa sandaling oras ay mararanasan ko ang kakaiba at hindi malilimutang kulay sa aking buhay...
true colors..
ReplyDeleteadidas gazelle
ReplyDeletehermes birkin
coach outlet
golden goose outlet
ferragamo belt
hermes
supreme t shirt
air jordan
supreme hoodie
nike air max 2017
navigate to this websitego to these guys this websiteclick for more info SourceLook At This
ReplyDeletereplica bags cheap replica bags philippines replica bags by joy
ReplyDeletewikipedia reference Dolabuy Louis Vuitton website link www.dolabuy.co important source you can check here
ReplyDeleteشركة تنظيف سجاد
ReplyDeleteتنظيف سجاد