"Totoo Po Yan!"
Maaga akong gumising para maghilamos at kumain ng almusalan sa karinderya nila Junior. Kailangan ko umabot sa biyahe ng maaga para hindi ako mahuli sa aking trabaho. Nagmamadali ako kumain na tila hindi ko na nalalasahan ang aking pagkain. Nakakagulat talaga dito sa Manila. Lhat ng bagay ay kaylangan mong bilhin. Lahat! Ewan ko ba kung bakit ang daming gusto pumunta dito. Para makatipid, bibili ako ng isang order ng ulam at yung kalahati ay ibabaon ko para sa aking tanghalian. Masarap naman. Siguro yun ang dahilan kung bakit ako pumayat. Ang sarap kasi. Hahaha
Ang tubig dito ay iba. Sobrang lamig. Sabi ni Ate Lisa (Landlady namin sa apartment ni Macky Boy) malamig daw ang unang buhos ng tubig dito. Maganda naman ang paliguan kung ihahalintulad sa probinsiya. Malinis, maputi, madulas, at malamig nga! Kaya ang ginawa ko ay.. yung unang buhos ay tinapon ko sa lababo at yung pangalawang buhos ay pinanligo ko na. Grabe. Effective. LOL Try mo?
Kaylangan ko ng magmadali pero si Macky Boy ay tulog pa din. Kaylngan ko siya hintayin dahil isa lang naman ang aming patutunguhan. Mahriap siyang gisingin (totoo po yan). Ilang minuto na lamang ay malapit na kaming hatulan sa aming opisina. Awa ni Batman. saktong sakto kami dumadating pero kadalasan ay captial L-A-T-E! :D
Umaga pa lang ay parang hapon na at mukha na akong mag-a-out sa aking pagmumuka. Tila isang sisiw na basang basa hindi sa ulan bagkos sa aking sariling pawis. (Ewan ko ba kung bakit yung Bag na binigay ng AGSIP ee ang bilis mag produce ng pawis tuwing suot ko). Buti na lang sa office namin kaming nasa Alaska sa sobrang lamig at hindi ko maintindihan kkung bakit yung katabi ko sa upuan e kailangan pa mag electric fan (ADIK ba?)
Araw araw may kailngan tapusin. Sa awa naman ulit ni Batman natatapos ko naman. Lunch Break na. Panibagong hamon na naman para sa akin dahil wala ako kasama sa office ko. Para akong kabuti na bigla na lang susulpot at mawawala sa Office. Pagpatak ng 12 in tanghali.. Isang alay lakad na naman ang dapat tapusin. 12:30 nakarating na din ako. Ang magandang bagay lang na nakapagbasag ng aking kamuwangan ay ang mga makabagong teknolohiya na aking natutuklasan.
Ano bang meron sa Necktie at sa tuwing papasok ako ng BPI Main Building ay bumabati sila sa akin ng Good Morning Sir? Syempre sasagot naman ako ng 'Goodafternoon' sabay lakad at patagong tatawa.
Bakit kailangan pa tanungin sa BPI Elevator kung UP ba o DOWN ito? sa tuwing magbubukas ang pinto nito ay kailngan mo magtanong kung 'Up po ba?' Ang pinakamagandang sagot na matatanggap mo ay 'OO' at badtrip kung 'HINDI' kasi isang taon na naman ang iyong bubunuin para makapunta ka sa patutunguhan mo.
After 2 years. nakarating na ako sa Ayala Foundation para kumain kasabay ang aking matalik na kaibigan (manager) na si Ness Albito or Nestie for Short. :p Sabay kaming kakain ng tanghalian at pagsasaluhan ang ulam niyang pang umagahan at baon kong 'GUBAT ' na specialty ni Junior Carinderia. Masaya. Busog pero pagbalik ko muli sa opisina ay tila unti unti nahuhulog ang aking nakain sa daan sa pagod kalalakad.. Hehehe
Balik na naman ako sa Alaska at kailngan bunuin ang isang araw.Magsunog ng kilay para sa dagdag kaalaman sa kompanya, kaunting diskarte at sipag. Tapos.
Hapon na.. Gabi na.. Kailangan ng umuwi. pero may isang bagay na naman ang unti unting pumapasok at sumisiksik sa aking utak. Mga katanungan na kaylangan ng kasagutan..
- Bakit kaya hindi ko namamalayan ang oras at panahon kapag nasa loob ng office?
- Bakit kaya gabi kung mag jogging ang mga tao dito?
- Bakit mas maganda ba kapag underpass?
- Bakit bawat kanto may StarBucks?
- Bakit ang mahal ng sandwich sa FIGARO pero eggplant lang naman ang laman sa loob?
- Bakit kapag uwi ko sa bahay yung buhok at damit kong puti nagiging itim?
- Bakit bawal ang tricycle papuntang office?
- Bakit kusang bumubukas ang pinto sa Building sa Valero?
- Bakit CBD ang tawag sa Makati City? Diba mas maganda ang ABCD?
- Bakit may Scalator dito na walang steps?
- Bakit may aircon na jeep?
- Ano ba ang PISO Fair?
- Ano ang meaning ng PedXing? (pedestrian crossing?)
- PB Com ba talaga ang pinakamataas na tower sa Pilipinas?
- Bakit walang takatak boys sa kalsada?
- Bakit sosyal ang pulubi dito?
Bakit? Bakit? Hay.. Nagpapakatanga na naman ako.(totoo po yan) Pero sa dami dami ng mga katanungan na yan ay kapalit ang mga bagong kaibigan na aking nakilala.
Itutuloy..
10 MINUTES ko lang pala na type yan. wala ng editing at revision hahahaha totoo po yan
ReplyDeleteikaw na ulet ! :)
ReplyDeletehahaha ako na talaga
ReplyDelete