SCA Story
ANG TANGLAW
Madilim. Ito ang salita na hindi ko malilimutan simula ng tumungtong ako sa college life. Isang salita subalit ang daming kahulugan. Isang salita pero and daming pwedeng patunguhan.
_________________________
Mataas ang sikat ng araw ng hapong iyon at tila gustong sumabog ni haring araw sa sobrang galit. May pumasok sa silid-aralan namin. Masya ako dahil walang klase at hindi matutuloy ang quiz namin. Biglang nagdilim ang aking paningin at tila bubukas ang kisame ng room namin at may bababang mga anghel ng biglang tawagin ang pangalan ko. "Mr Tudla, please proceed to CFP (Christian Formation Program) after this class". Nagsimulang magbagsakan ang butil-butil kong pawis at unti-unting kumalat ang pulang dugo sa mukha ko gaya ng pakiramdam ko sa tuwing papagalitan ako ng professor ko dahil lagi akong late sa klase. Bumaba ako sa third floor at pumasok sa opisina ng CFP. Doon ko pala makikilala ang aking magiging liwanag ng aking buhay.
"Mag-SCA ka aries ha? ang tanong na parang ang tanging isasagot ko lang ay "Opo". Sumagot ako gaya ng sabi ko kahit hindi ko talaga alam kung ano ang SCA. Para akong nanalo sa lotto ng hindi tumataya. Nanalo ako ng higit pa sa inaasahan ko. Doon pala magsisimula ang malaking pagbabago sa aking buhay.
We see.
Walang kasiguraduhan ang buhay ko noon. Ako ay pumasok sa Ministry of Altar Servers at dito ko pala sa SCA matutupad ang pangarap ko na kahit nung bata pa ako ay hanggang pangarap lang, ang maging Sakristan. Hindi simple ang naging tungkulin ko dito dahil nagkaroon agad ako ng responsibilidad bilang vice-chairman nito.
Student Catholic Action. Tama! Naging mag-aaral din ako noon hanggang ngayon. Kumukuha ako ng kursong hindi ko alam kung bakit ko naging gusto, ang accountancy. Akala ko dati madali lang pero mahirap pala, hindi basta-basta. Kung bibigyan lang ako ng oras para ibalik yung dati, kaya ko naman ituloy ang kursong iyon. Hindi ko lang alam kung anung formula ang nilagay sa lahat ng books ng accountancy at bakit sa tuwing babasahin ko ito ay inaantok ako.
Second year na ako. Kaylangan ko ng magdesisyon kung saan ba talaga ako papunta. Hindi ko na kailangan pa na pagtagalin ang paghihirap sa buhay ko bilang studyante. Nahihirapan ako sa paraang hindi sapat ang oras, panahon, at lakas ko para sa ganitong uri ng kurso kaya nagpatuloy ako ng third year bilang isang Marketing student. Naniniwala ako na ito na talaga ang gusto ko. Mahirap pero masaya.Madami ako natutunan.
We believe.
Minsan naisip ko ng umalis sa SCA dahil sa dami ng mga ginagawa ko sa buhay. Gusto ko kasi ng walang nasasayang na oras dahil bawat minuto ay mahalaga. Akala ko hindi na ko makakapag-aral, nalulungkot ako kasi ako dahil na din sa grades ko at baka mawala na ko sa scholar. Sa mga panahong ganito ang SCA ang nagiging sandigan ko. Sila ang nagturo sakin ng mga dapat kong gawin. Nagpatuloy ang aking buhay.
Napapagod na ako sa aral, trabaho, at paglilingkod. Pag-aaral sa umaga, trabaho sa gabi. Hindi na nga kame nagkikita ng mga kapatid ko sa bahay dahil madaling-araw na ako umuuwi at tanghali ng gumigising. Kailangan ko kasi maging working-student dahil hindi sapat yung scholarship na nakukuha ko mula sa paaralan. Hindi naman ako nagsisisi sa mga desisyon ko. Masaya ako sa mga ginagawa ko.
Habang tumatagal unti-unting dumadami ang mga problema. Kaylangan kong pagsabay-sabayin ang lahat at balansihin ang aking responsibilidad bilang Student Council, Server, SCA, Volunteer at Working Student na din. Panganay ako sa aming apat na magkakapatid. Walang trabaho si Nanay, wala din trabaho si tatay. Umaasa lang kami sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at pagsasaka ng palay na hindi naman sa amin. Kailangan ko mag-aral mabuti para matulungan sila.
Lumaki ako sa Katolikong Pamilya at hinubog ako sa pagmamahal nila nang may takot sa Diyos. Madami ako natutunan sa pamilya ko at nadagdagan pa ng samahan na kinabibilangan ko ngayon. Sila ang nagturo sa akin kung paano ako mabuhay ng marangal at may pag-ibig sa kapwa.
We care..
Hindi ko masasabi na nagtagumpay na ako sa aking misyon dito sa lupa. Madami din akong pagkakamali tulad ng iba o higit pa nga minsan. Pero madami na akong nakamit dahil sa SCA. Dito ko nakilala ang tunay kong mga kaibigan at ang aking ikalawang pamilya. Dito ko napatunayan na hindi kailangan ng pera para maging masaya, ang magtulungan at magbigayan.
Sila nag nagmulat sa akin ng tamang paraan ng paglilingkod, bilang isang leader, mag-aaral, at isang anak. Siguro kung isusulat ko lahat ng karanasan ko sa SCA, kulang ang isang araw o kulang ang isang libro para dito. Hindi matatapatan ng materyal na bagay ang mga natutunan ko dito.
Madilim man, ang SCA ang nagbigay liwanag sa aking tatahaking landas. Sila ang naging inspirasyon ko para sa pagpapatuloy ng buhay. Walang makakapagsabi kung hanggang kailangan ang itatagal ko sa SCA dahil habangbuhay ko na itong dadalhin at nakatatak na sa aking puso ang pangalang ito.
__________________________________________________
(Biglang natahimik ang mga nag-iinterview sa akin)
Nakangiti silang lahat habang sinasabi ko ang aking karansan sa SCA. Alam ko ito ang naging dahilan kung bakit ako nakasama at napili sa Ayala Young Leaders Congress 2011. Masaya silang lahat at nagtatawan habang kinukwento ko ang aking mga karanasan bilang lingkod mag-aaral. Nagpakatotoo ako at sinabi ang lahat ng bukal sa aking puso.
Maraming salamatsa SCA dahil hinubog nila ang isang kabataan na puno ng pag-asa at pangarap sa buhay, ang bagong JOHN ARIES D. TUDLA.
hahaha nice
ReplyDeletelike. =) parang naririnig cko ang mabilis mong pagsasalita habang binabasa ko ito, napapabilis tuloy pagbabasa ko.. astig!
ReplyDeletehahaha. adik ka. ni re post mu pa to :)
ReplyDeletenice blog..
ReplyDeletethanks :D
ReplyDeleteadidas gazelle
ReplyDeletehermes birkin
coach outlet
golden goose outlet
ferragamo belt
hermes
supreme t shirt
air jordan
supreme hoodie
nike air max 2017