Lost in Summer
• . I G N O R A N C E . •
It's gonna been a long long time since when my last post published.
March 29, 2010-Sunday. Huling araw na kami ay magkakasama. Bago ako pumasok sa aking trabaho ay sabay kaming nagsimba. Sabay naming nilakad ang daan patungo sa simbahan. Habang naglalakad kami sa palengke may nakita akong mga bata na may dalang isang malaking kahon at may lamang mga dahon na buko na tila nilagyan ng mga dekorasyon.
Habang papalapit sa simbahan padami din ng padami ang mga taong nagtitinda ng.. Tama. araw na palaspas noon. Hindi ko namalayan na ganun na lamang pala kabilis ang panahon.
Dati-rati ang aking kapatid ay mga bata pa ngayon ay.. nagulat pa ko ng malaman kong may Facebook account na silang lahat. Pag-uwi ko sa bahay ay High School na pala ang pangatlo kong kapatid. Napatingin din ako sa kalendaryo. Ddi ko namalayan na magtatapos na pala ang buwan ng Marso.
Naalala ko tuloy nung aking kabataan. Tuwing mahal na araw ay nakakulong lang kami sa aming bahay. Kailangan naming gumising ng maaga at maglinis ng bahay at pagsapit ng tanghali ay matutulog ang lahat. Sa mga panahong iyon hindi ko alam kung bakit lagi na lang tulog.. tulog... at tulog ang bukang bibig ni Nanay. Ngayon ay alam ko na. at Alam mo na rin yun.. Pagsapit naman ng Biyernes Santo, ito ang hindi ko malilimutan.. BAWAL daw ang maligo. tama? Marahil naririning niyo na rin ang mga ksabihang iyan.
Ppumasok kami sa loob ng simbahan. Pagpasok namin ay bumungad ang maraming tao na nagdadasal at sama-samang umaawit. Malapit ng matapos ang misa kaya nakaupo kami sa harapan ng simbahan. Hinintay namin ang kasunod pang misa. Nag-aalala ako sa oras dahil baka ma-late na naman ako sa king trabaho.
May nakapukaw sa aking paningin. May isang rebulto na nasa gilid ng simbahan. Ito ay ang representasyon ng panahon pa ni Jesus Christ. Ito iyong nakasakay siya sa isang hayop at may dalang palaspas.
Maraming mga mananampalataya ang lumalapit at naglalagay ng sampagita dito. Subalit, may isang matandang babae ang lumapit dito.
Hindi ko naman pinapahalata na aka ay nagmamasid sa kanya. Mayroon siyang dalang panyo tila puno ng pananampalataya ang kanyang muka. Pinunas niya ang dalang panyo sa imahe ni Hesukristo at pinahid din sa kanyang muka at katawan at sabay ng krus. Ngunit hindi lang dun.. ang ikinagulat ko ng pinunas niya ang panyo sa sinasakyan ni Jesus at pinahid sa kanyang katawan at nagkrus.. ito ay ang KABAYO.. Pinigil ko ang aking tawa subalit hindi ko ito napigilan. Ngumiti na lamang ako ng palihim.
Gayun na lamang ang lalim ng pananampalataya ng mga Pilipino. Subalit, minsan sa ating ginagawa akala natin ito ay parte pa din ng ating pagmamahal at pagkilala sa Panginoon. May mga bagay na akala natin tama ay tama talaga dahil ito ang ating nakasanayan. Kaylangan nating itama kung anu ang mali. Hindi dahil sila ang nakakatanda ay ito na ang tama.
Totoo nga na ang Experience ay best teacher. Ngunit sa mga ibang bagay iba na ang ibig sabihin nito. Kaylangan nating ituwid and baluktot at iwasto ang mga nararapat.
Masasabi ko na tayong mga Pilipino ay hitik sa pagmamahal at pananampalataya kaya minsan sa sobrang tiwala ay nadadala tayo ng mga bagay na hindi natin alam ay sobra na..
0 comments:
Post a Comment